MGA LARO
=-=-=-=-=-=-=
Paglakbay ni Don Pedro
---
Hanga - damdamin ng kasiyahan, pagkagulat, o panggigilalas
sa nakikítang kagandahan ng isang tao, bagay, gawain, o paligid
Uliran - Pamantayan sa mataas na uri o katangian
Tindig - Paraan ng pagkakatayo o pagkilos na nagpapakita
ng dignidad at respeto sa sarili sa isang tiyak na posisyon o pagharap sa iba.
Mapugto -Ang biglaang paghinto o pagtatapos.
Tugon - ito ay ang pagbibigay ng reaksiyon, impormasyon, o paliwanag
bilang kasagutan sa tanong, utos, o kahilingan.
Malumanay -Marahan o banayad sa pagkilos sa anumang ginagawa.
Prinsipe -Laláking nabibílang sa dugong maharlika
Tatwa - ang pagtanggi o hindi pagtanggap sa isang bagay, kahilingan,
panukala, o alok; kilos ng hindi pagsang-ayon.
Paborito - Táo, bagay, o anumang itinatangì, lalong
kinagigiliwan o gusto nang higit kaysa iba.
Inggit -Pakiramdam ng pagkainis o pagkadeskontento sa kapuwa dahil sa kahigitán nitó.
Paglakbay ni Don Diego
---
Malubha - Mabigat kaysa karaniwan, tulad ng isang karamdaman.
Panaginip- Serye ng mga guniguning senaryo na nakikíta sa oras ng
mahimbing na pagtulog.
Nakatalos- Pagkakaroon ng kakayahan at kaalaman upang lubos na
maunawaan ang diwa okahulugan ng isang bagay o ideya.
antog - Kilalá sa lahat ng dáko, karaniwang dahil sa magandang nagawa.
Maselan - Malubhang kalagayan.
Lunas - Medesina, anumang bagay na nagpapagaling sa may sakit.
Ginhawa- Kasiya-siyang pakiramdam ng tao dahil sa preskong panahon,
paggalíng mula sa sakít, pagkalutas ng suliranin, pagkamit ng nais, at katulad.
Utusan - ang pagbibigay ng tagubilin o kautusan sa isang tao
para gawin o hindi gawin ang isang bagay.
WORD SCRABBLE
---
Buwan -Isa sa 12 hatì ng isang taon na binubuo ng apat
na linggo na mayroong 28 hanggang 31 araw.
Lakbay -Pagtúngo sa malayong pook lalo na upang
makipagsapalaran o makakita ng magagandang tanáwin
Sanga - Bahagi ng punongkahoy o anumang halaman na
tumutubò sa pinakakatawan at inuusbungan naman ng mga dahon.
Balahibo - Malambot na materyal na bumabálot sa mga ibon.
Iglap -Isang maikling sandalî; panahon na napakabilis naganap.
Kaharian -Bansa o bayang pinamumunuan ng isang hari.
Narating -Ang kakayahang makapunta sa isang lugar,
punto, kalagayan, o makamit ang isang bagay.
Labis -Kahigitan sa takdang súkat o dami.
Dumadapo -bumaba at humimpil sa isang lugar o bagay
mula sa paglipad o paggalaw, katulad ng pagpapahinga ng ibon sa sanga.
Pahinga- Pagtigil sa paggawâ ng isang napapagod upang
makaipon ng lakas.
Nasaksihan- Ang direktang pagkakita o pagdanas ng isang pangyayari,
gawain, o kaganapan, na nagbibigay ng personal
na kaalaman o karanasan sa pamamagitan ng pagiging naroroon.
Lamyos- Masuyong haplos.
Napaidlip- sandaling makatulog nang hindi sinasadya.
Napatakan- Matuluan, malagpakan.
7 na tanong
---
Alis – Salitang ugat ng Umalis
Bawas – Salitang ugat ng Nabawasan
Antok – Salitang ugat ng inaantok
Silaw – Salitang ugat ng nakakasilaw
Talos – Salitang ugat ng nakatalos
Puwesto – salitang ugat ng pumuwesto
Wakas – salitang ugat ng pagkatapos
Palarong Gamot
---
Lumipas - Dumaan ang panahon.
Lumalala - Tumindi o umigting ang kalagayan ng sakit o karamdaman, nagpakita ng
higit na masamang sintomas o epekto.
Hanapin - Ang pagkilos o gawain ng pagsisikap na matukoy at matagpuan ang isang
bagay, lugar, o tao na nawawala o nais makita o makamtan.
Pahamak - Sinuman o anumang nagiging sanhî ng kabiguan o kapahamakan ng isang táo,
panukalà, pamamaraan, balak, atbp.
Biyaya - Anumang natatamo ng isang tao na karaniwang pinasasalamatan sapagkat
nakabubuti at kapaki-pakinabang.
Baon - Anumang bagay na dinadalá kapag patúngo sa ibang pook upang magamit
lalo na kung pera, pagkain, at damit.
Kapatagan - Malawak at patag na lupain, karaniwang taníman ng palay, mais,
at iba pang pananim.
Limos - Abuloy na pera at iba pang bagay.
Maginoo - Laláking matikas at may kagalang-galang na katangian.
Taglay - Kalagayan ng pagdadalá o pagkakaroon ng anuman lalo na kung katangian.
Pakay - Anumang kailangan ng isang dumating sa dinatnan.
Mabisang - May kakayahan at nagbibigay ng ninanais na resulta o epekto sa
pagtupad ng layunin o kinalabasan ng isang gawain.
Nagbilin - Ang pagbibigay ng panuto, utos, o impormasyon sa isang
tao tungkol sa dapat gawin o sundin.
Tumanaw - Ang pagtuon ng paningin sa malayo o sa isang bagay na hindi kalapitan; pagmasid
sa lugar o bagay na nasa malayong distansya.
Dampa - Maliit na tahanang tinitirahan ng mga maralita
na karaniwang yarì sa marupok na materyales.
Pook - isang espesipikong bahagi o teritoryo sa mas malawak na espasyo.
Ermitanyo - Táong lumayo at nanirahan sa isang mapanglaw na pook
upang mamuhay nang tahimik at maging relihiyoso.
Engkantado - diwata na may mahiwagang kapangyarihan, naninirahan sa hindi nakikitang
kagubatan o kaharian, at nagbibigay ng sumpa o biyaya depende sa pakikitungo sa kanya.
Hantinggabi - Oras sa kalagitnaan ng gabí na ika-12 sa orasán.
Dayap - Isang botanikang sitrus na tumataas hanggang 4 metro, matitinik ang sanga,
maputi at mabango ang bulaklak, at may bungang bilugán na maasim ang katas.
Sintas - Panalì na ginagámit sa sapatos.
Aalpas - makalaya o makatakas mula sa pagkakagapos, pagkakakulong, pagkakatali, o pagkakahawak.
Puwesto- Lugar o dakong sadyang lalagyán ng isang bagay.
Masaksihan - Makita o maging saksí ng anumang pangyayari;
mapatunayan sa pamamagitan ng pagkakakita sa nangyari.
Kariktan - Ang katangian o kalidad ng isang bagay o tao na lubos na kaakit-akit, kahanga-hanga, at may natatanging ganda na nakakagawa ng malalim na paghanga.
Antok - Pakiramdam ng isang tao na ibig matulog.